Marami ang napipikon kapag nababanggit ang ‘P500 noche buena,’ pero kung tutuusin marami pang ibang bagay na maipagpapasalamat ngayong PaskoMarami ang napipikon kapag nababanggit ang ‘P500 noche buena,’ pero kung tutuusin marami pang ibang bagay na maipagpapasalamat ngayong Pasko

[Tambay] Salamat sa usiserong paslit, naiba ang pananaw ko sa Noche Buena

2025/12/21 09:00

Nakatayo siya sa bandang gitna ng pasilyo at nakatuntóng sa luhuran. Sa balikat niya, gumagabay ang kamay ng kanyang nanay. Palibhasa ang lamig ng simoy ng amíhan at nakadagdag pa ang pínong-píno na ambon nung madaling araw na iyon, pinagsuot siya ng jacket na red, white, and blue.

Nang mag-umpisa na ang unang Misa de Gallo, tumugtog na ang pambungad na awit, at lumakad na nang marahan ang altar servers, nanghaba ang leeg ng batang lalaki sa pagsílip sa nangyayaring seremonya. Pinanonood ng tambay na ito ang bawat galaw ni Junior. 

Agad kong napansin ‘yung mag-ina dahil nakapuwésto sila halos sa harap ng munting kapilya namin sa St. Joseph the Worker Chapel sa Plainview, Mandaluyong. Ang kapilya ay bahagi ng parokya ng Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy. Bilog na bilog ang mata ni Junior, saka pabaling-baling sa kaliwa’t kanan ang ulo. Ang hula ko, unang beses niyang magsimba nang madaling araw.

Sa harap na hanay ako nakatayo bilang magsisilbi sa misa, kaya tanaw na tanaw ko ang paslít na usisero. Tila gusto niyang masaksihan ang lahat ng nangyayari.

‘Yung matatanda sa paligid ni Junior ay pasimpleng nagtakip na ilong para hindi masinghót ‘yung usok ng insénso. Pero para kay Junior, balewala ito. Ayun, lalo pang nanlaki ang mga mata ng bata kahit sa harap niya dumaan ang altar server na may bitbit ng umaasóng sisidlan ng insenso.

Sa mata ng usisérong bulílit, isang engrándeng ritwál ang kanyang nasasaksihan. Kita sa pagkamanghâ ng nakatingala niyang mga mata, ang aming maliit at payak na kapilya ay mistulàng dambuhalang katedral.

Nung bahagi na ng homiliya, inantok na si Junior at tuluyang nakatulog sa kandungan ng nanay niya.

Pero muling pumasok sa isipan ko si Junior dahil ‘yung homiliya ni Padre ay ‘sakto sa nasaksihan ko. 

Ang paksa ni Padre ay ang pagkakaroon ng ugaling mapagpasalamat. ‘Ika niya, madalas nakakalimutan nating magpasalamat sa mga pagpapalang dumarating sa buhay natin. Sa madaling salita, hindi pa nga natin itinuturing na mga biyaya ito. ‘Baga, sa atin wala lang ang mga ito.  

Ang halimbawang ikinuwento ni Padre ay ang isang eksenang napanood niya sa Facebook reel. Sa video, sabi ni Padre, binuksan ng bata ang regalong natanggap nito. Ang tumambad sa bata ay isang paper clip. Sa mga tulad nating mga nakatatanda, na nasa edad na mapaghanap, baka mainis pa tayo sa ganoong regalo. Pero sa naturang reel, tuwang tuwa daw ‘yung bata at nag-thank you pa sa nagbigay ng regalo.

Natawa ang karamihan ng gising sa misa (Hehehe, kapag Simbang Gabi tila mas maraming natutulog tuwing sermon na ni Padre). Gayumpamán, naging palaisipan sa akin ang punto ni Father.

Tinanong ko sa aking sarili: Sino kaya ang tama ang reaksiyon: ‘yung bata na natuwa sa paper clip, o akong mas may edad na maaasiwâ kapag ganoon ang regalong tatambád?

Naalala ko nung minsang nasa bangko ako. Habang nag-aabang ng transaction, nakausap ko ang mga teller ng BDO Maysilo sa Mandaluyong. Natanong ko kung ano ang masasabi nila sa opinyon ng gobyerno tungkol sa P500 na Noche Buena. Parang mitsá ‘yung tanong na iyon. Nagtaasan ang mga boses nila at halos sabay-sabay sa pagbulálas ng pagkadismaya. “Ang Noche Buena ay isang feast. Paano magiging feast ‘iyon’yun kung P500 lang ang budget?” “Kulang na kulang ‘yan sa isang pamilya.” Dagdag pa ng isa, “Halos pang-kape lang.”

Napanood ko sa social media ‘yung opinyon ng isang artista na “feast” nga raw ang Noche Buena. Sa katunayan, maraming sumang-áyon sa kakulangan ng P500 na budget pang-Noche Buena. 

At totoo namang hindi makatotohanan iyong mapapagkasya ng isang pamilya ng dalawang magulang at tatlo o dalawang anak ang P500 para sa Noche Buena.

MABABASA RIN SA RAPPLER
  • [OPINION] Noche Buena for P500: The Christmas script no one believes anymore
  • [Vantage Point] The P500 Noche Buena: Rewriting math, economics, and the laws of physics

Sa tono nung mga nakausap ko, banaag na, kahit paano, meron silang panggastos sa Noche Buena ngayon bisperas ng Pasko. Tila nainsulto sila sa pasáring na maghigpit ng sinturon para makatipid.

Nauunawaan ng tambay na ito ang sentimyento nila. Iyan din ang una kong reaksiyon. Kung kakayahin at kakayahin, handang gumastos ang mga pamilyang Pinoy. 

Pero tumingin ka lang sa iyong paligid, meron pang isang katotohanan na makikita. Mayroong mga pamilyang hindi talaga kakayahin ang mag-Noche Buena dahil walang pambili. At mayroón din mga taong walang pamilyang makakasama ngayong Pasko. Para sa kanila, walang Noche Buena. Sa halip, itutulog na lang nila ang bisperas ng itinuturing nating mga Kristiyano na araw ng pagsilang ng Tagapagligtas.

Noong unang Pasko nga, di ba sa isang payák na sabsában lang isinilang ang Prinsipe ng Kapayapaan? Walang “feast.” At ano ba ang sabsában? Ayon sa kwfdiksiyonaryo.ph, ang sabsában ay “kahong pahabâ na karaniwang yarì sa kahoy o kawáyan na nilalagyan ng dayami at iba pang tuyong pagkain ng alagang hayop.”

Bagamán nakaugalian na ang masarap na kainan, meron pang ibang mga bagay na mas mahalaga sa bisperas ng Pasko. Hindi ko naman sa sinasang-ayúnan ang pahayag ng gobyerno, pero hindi ko rin naman tanggap na kung walang “feast,” walang Pasko.  

Nakangiti ako nung sinabi ko sa ladies ng BDO: “Ok lang ‘yung gipit na budget sa noche buena, ang mahalaga sama-sama kayo ng pamilya ’nyo sa gabing iyon. Basta kasama mo ang mga mahal mo, di ba sapat na ‘yun?” Tingin ko, akala nila nagbibiro ang tambay na ito.

Tulog pa rin ‘yung paslit na usisero nung natapos ang Simbang Gabi. Hindi ko na siya napasalamatan. Salamat, ího, sa pagdalo mo sa misa. Dahil sa iyo, namulat ako. Dahil kay Junior, napagtantô ko na ang dami palang biyayang dapat maipagpasalamat ngayong Pasko. – Rappler.com

Si Chito de la Vega ay Tambay ng Rappler dalawang beses kada buwan. Kasama rin siya sa mga anchor-host ng programang Balita Kwento Serbisyo ng DZME 1530.

Market Opportunity
Kyuzos Friends Logo
Kyuzos Friends Price(KO)
$0.007457
$0.007457$0.007457
+0.56%
USD
Kyuzos Friends (KO) Live Price Chart
Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact service@support.mexc.com for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.

You May Also Like

BlackRock boosts AI and US equity exposure in $185 billion models

BlackRock boosts AI and US equity exposure in $185 billion models

The post BlackRock boosts AI and US equity exposure in $185 billion models appeared on BitcoinEthereumNews.com. BlackRock is steering $185 billion worth of model portfolios deeper into US stocks and artificial intelligence. The decision came this week as the asset manager adjusted its entire model suite, increasing its equity allocation and dumping exposure to international developed markets. The firm now sits 2% overweight on stocks, after money moved between several of its biggest exchange-traded funds. This wasn’t a slow shuffle. Billions flowed across multiple ETFs on Tuesday as BlackRock executed the realignment. The iShares S&P 100 ETF (OEF) alone brought in $3.4 billion, the largest single-day haul in its history. The iShares Core S&P 500 ETF (IVV) collected $2.3 billion, while the iShares US Equity Factor Rotation Active ETF (DYNF) added nearly $2 billion. The rebalancing triggered swift inflows and outflows that realigned investor exposure on the back of performance data and macroeconomic outlooks. BlackRock raises equities on strong US earnings The model updates come as BlackRock backs the rally in American stocks, fueled by strong earnings and optimism around rate cuts. In an investment letter obtained by Bloomberg, the firm said US companies have delivered 11% earnings growth since the third quarter of 2024. Meanwhile, earnings across other developed markets barely touched 2%. That gap helped push the decision to drop international holdings in favor of American ones. Michael Gates, lead portfolio manager for BlackRock’s Target Allocation ETF model portfolio suite, said the US market is the only one showing consistency in sales growth, profit delivery, and revisions in analyst forecasts. “The US equity market continues to stand alone in terms of earnings delivery, sales growth and sustainable trends in analyst estimates and revisions,” Michael wrote. He added that non-US developed markets lagged far behind, especially when it came to sales. This week’s changes reflect that position. The move was made ahead of the Federal…
Share
BitcoinEthereumNews2025/09/18 01:44
SICAK GELİŞME: Binance, Üç Altcoini Vadeli İşlemlerde Listeliyor!

SICAK GELİŞME: Binance, Üç Altcoini Vadeli İşlemlerde Listeliyor!

Kripto para borsası Binance, ZKP, GUA ve IR tokenlerini vadeli işlemler platformunda listeleyeceğini açıkladı. *Yatırım tavsiyesi değildir. Kaynak: Bitcoinsistemi
Share
Coinstats2025/12/21 16:41
USDC Treasury mints 250 million new USDC on Solana

USDC Treasury mints 250 million new USDC on Solana

PANews reported on September 17 that according to Whale Alert , at 23:48 Beijing time, USDC Treasury minted 250 million new USDC (approximately US$250 million) on the Solana blockchain .
Share
PANews2025/09/17 23:51